Gising Pinoy!

Just another WordPress.com weblog

Sa Kanan Parin.

r4-7a

Narinig o nakita nyo na ba yung phrase na “Keep Right!”?

Sa ating bansa ang kaayusan ay Keep Right, o sa kanan tayo maglalakad. Sa kanan din and mga sasakyan, di ba?

May mga pitong taon narin ang nakakaraan nag magtungo ako sa bansang Singapore. Ang linis dun. Madaming tao, maluwag ang kalsada, walang nag-bubusina kasi di naman kailangan (disiplinado kasi lahat).

Sila naman (Singaporeans) ay Keep Left, pati sasakyan nasa kaliwa. Ang napapansin ko sa kanila ay maski sa paglalakad, nasa kaliwa sila. Wala ka tuloy masasalubong na tao na haharang sa iyong paglalakad. Ganun din sa escalator, nasa kaliwa yung mga nakasakay, kasi ang kanan nila ay para sa mga nagmamadali o gustong mag-overtake. Grabeng disiplina ng mga mamayan doon.

Balik tayo sa Pilipinas. Ayan, kahit saan naglalakad. Mga pasaway! Keep right nga eh! Pag-akyat mo ng hagdan/overpass, may masasalubong ka. Ang entrance at exit kung walang mga bantay ay nagiging vice-versa! Hanep talaga. Bata, matanda, wala sa atin ang disiplina.

Kita ninyo, mga simpleng bagay di pa malutas. Tayo din ang may kasalanan! Kailang pa tayo magbabago? Paano tayo uunlad? Hanggang dito na lamang ba tayo mga kapwa kong Pinoy.

Gising Pinoy!

Advertisements

Filed under: Uncategorized, ,

To the Left, to the Right.

mustang-turn-signal-lights-amber-corners-0509-01

Magandang araw sa inyo kababayan. May mga katanungan ako para sa isang Pinoy driver.

Dapat bang mag-signal ng Left o Right kapag liliko o mag u-U-Turn? Marahil ang isasagot ng nakararami ay “Oo” at ito naman ang madalas nating nakikita sa kalsada.

Isa pang katanungan. Kapag walang sasakyan sa likod o sa harap/kasalubong at ikaw ay liliko, dapat bang mag-Signal? Oo naman mga kababayan. Pano na kung meron kang hindi napansin na sasakyan.  Sino ba perpekto satin.?

Isa na lang katanungan na nais kong bigyang pansin sa dahilang sadyang maraming sablay dito. Kapag walang sasakyan na kasalubong kundi tao lang, dapat pa bang mag-signal?

Oo naman. Hindi ba ito naituro sa Driving Shool? Ang pag-Signal ay hindi para sa kapwa driver lang, pati din sa mga hamak pedestrian. Kasi madalas kong makita ito, na ang mga driver (bigla man o maingat) ay lumiliko na lamang nang di nag-si-Signal kapag tao lang naman ang kasalubong o tumatawid. Tapos yung iba mag-bubusina pa o kukunot ang noo at tatalim ang tingin.

Tunay nga na masasabi natin na hindi lahat ay marunong magmaneho. Yung iba kasi marunong lang magpa-andar ng sasakyan. Magkaiba yun. Magbago na tayo.

Disiplina mga kapwa kong Pilipino. Gising Pinoy!

Filed under: Uncategorized, ,

Salamat sa Pa-Chiller!

Kaninang tanghali ay lumabas ako sandali mula sa hanapbuhay. Mainit ang panahon, wala akong sariling sasakyan.

Ang aking misyon… ibili ng cake ang isang mahalagang tao para sa kan’yang kaarawan. Subalit ang cake na gusto niya ay maliit lamang, kaya minarapat ko na bumili narin ng pizza.

Mabait ang umasikaso sa akin sa bilihan ng pizza. Akalain mo ba namang nag-offer siya sa akin na ilagay muna sa sa chiller nila yung cake na dala ko habang hinihintay ko yung pizza? Maraming salamat sayo kabayan.

Yan ang ugaling pinoy. May malasakit. Mumunti mang bagay ang nagawa, ngunit papuri sa dapat purihin. Sana ganito tayong lahat mga kababayan ko, hindi yung bahala-ka-sa-buhay mo o pakialam-ko-sayo mentality.

Gumising tayong lahat. Gising Pinoy!

Filed under: Uncategorized,

Payong Kaibigan.

ambient-umbrella

Tag-ulan na po. Hindi pinapansin ng marami sa atin.

A aking paglalakbay patungo sa dako ng hanapbuhay, ay nakita ko na “marami” and walang payong. Alam naman natin na tag-ulan na (Agosto na po), eh bakit hindi magdala ng payong, kapote, o anumang pananggalang sa ulan.

Katuwiran kasi ng iba:

1. May araw pa kanina – naisip mo ba na ilang beses ka nang nabasa dahil di ka nagdala ng payong. Asa ka pa sa panahon, nagbabago talaga yan.

2. Mabigat po – ilang kilo ba yang payong mo?

3. Marami akong dala – eh di iwan mo yung iba. Ako kanina sana ay may dalang backpack, kaso biglang bumuhos ang malakas na ulan. Eh di iniwan ko ang bag sa bahay at ibinulsa na lamang ang mahahalagang bagay.

4. Tanggal ang poise/porma pag may payong – mas nawala ang poise o porma mo kung mukha kang basang sisiw dahil sa ulan.

Ang sa akin lang ay PAYONG KAIBIGAN…. ugaliin natin magdala ng payong. Gising Pinoy!

Filed under: Uncategorized, , ,

Nagmamadaling Jeepney Driver.

JeepneyPic

10PM. Ako at ang aking GF ay sumakay sa isang jeep papuntang bayan. Hindi pa ako halos nakauupo ay biglang pinaandar na agad ang jeep. Nawala ako sa balanse. Bilang mapagpasensya ay kinalimutan ko na lang ang pangyayari.

Nakarating kami sa bayan. Ako ay pumara at bumaba, at inalalayan ko naman pababa ang aking GF. Hindi pa siya nakakababa ay bigla na namang umusad ang jeep. Sobra na ito. Marahil ay tumaas ang BP at Testosterone level ko… kaya ako ay napasigaw sa driver ng, “Hoy h’wag kang magmadali… Gago ka!.

Ganito ang nakararami sa mga Driver na Pinoy. Walang pakialam sa kapakanan ng pasahero.

Paano ba tayo aasenso kapwa kong mga Pinoy? Sana tayong lahat ay magbago. ang mga pangit at palpak na ugali ay dapat nang iwaksi.

Filed under: Uncategorized, ,

Mga Pahina

Imbakan